Mahigit 5,000 pulis sa Maynila tumanggap na ng kanilang first quarter allowance
By Dona Dominguez-Cargullo June 09, 2020 - 10:48 AM
Natanggap na ng mga pulis Maynila ang first quarter allowance nila mula sa Manila City Government.
Ayon kay Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso 5,000 police personnel ng Manila Police District (MPD) ang tumanggap na ng allowance.
Sinabi ni Domagoso na naglaan ang Manila City government ng P36,445,000 para sa allowance ng 5,007 na pulis.
Bahagi ito ng tulong ng lokal na pamahalaan sa mga pulis na nagsisilbi ring frontliners sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.