‘Missiles ng China sa Woody island nakakabahala’ – US Sec. Kerry

February 19, 2016 - 03:12 AM

 

woody south china sea
Mula sa inquirer.net

Kinastigo ni US Secretary of State John Kerry ang paglalagay ng mga surface to air missiles ng China sa Woody island na sakop ng Paracel Group of Islands sa South China Sea.

Ayon kay Kerry, isang ‘serious concern’ ang pinakahuling hakbang na ito ng China na lalong nagpapataas ng tensyon sa South China Sea.

Iginiit ni Kerry na dapat ay walang anumang uri ng militarisasyong umiral sa South China Sea partikular sa mga isla at bahura na inaangkin ng mga bansa kabilang na ang China, Taiwan at Vietnam at maging ang Pilipinas.

Inalala pa ni Kerry ang paghaharap nina US President Barack Obama at Chinese President Xi Jinping sa Washington noong nakaraang taon kung saan ipinangako ng China na walang magaganap na militarisasayon sa naturang rehiyon.

Umaasa pa rin si Kerry na mareresolba ang agawan ng teritoryo sa South China Sea sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap at hindi sa pamamagitan ng dahas.

Noong nakaraang araw, kinumpirma ng Taiwan na isa sa mga claimant countries sa Woody islands na nagtaguyod ng missile system ang China sa naturang isla.

Ang Taiwan at Vietnam at China at kapwa may kanya-kanyang claim sa Paracel islands.

Gayunman, sa pagtatapos ng Vietnam war, puwersahang inagaw ng China ang Paracels mula sa South Vietnam.

Samantala, natukoy ang mga inilagay na missile sa isla bilang mga HQ-9 surface to air missile na may kakayahang magpabagsak ng mga eroplano sa layong 200 kilometro.

Hindi pa rin kinukumpirma o itinatanggi ng China ang mga ulat na naglagay na ito ng missile system sa naturang isla at sinasabi lamang na matagal na itong may defense facilities doon.

Inaakusahan pa ng China ang media na pinapalaki lamang ang naturang isyu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.