Mahigit 150,000 na junior at senior high school students sa QC bibigyan gadgets ng LGU

By Dona Dominguez-Cargullo June 09, 2020 - 07:54 AM

Naglaan na ng pondo ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para mabigyan ng gadgets ang mahigit 150,000 junior at senior high school students sa lungsod.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na tinatayang mahigit 155,000 na junior high school at mahigit 19,000 na senior high school na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang tatanggap ng tablet.

Magbibigay din ang Quezon City government ng 20 computer sa bawat pampublikong paaralan para makatulong at magamit ng mga pampublikong guro.

Sinabi ni Belmonte na ginawan nila ng paraan para mahanapan ng pondo ang paglalaan ng gadgets sa mga bata at mga guro.

Mayroong halos kalahating milyong estudyante sa mga pampulikong paaralan sa Quezon City.

Ani Belmonte, mahirap sa ngayon na mapaglaanan ng gadgets ang lahat ng public school students kaya inuna nila ang mga junior at senior high school.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, gadgets, general community quarantine, Health, Inquirer News, junior high school, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, Senior High School., State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, gadgets, general community quarantine, Health, Inquirer News, junior high school, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, Senior High School., State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.