Mga pasaherong stranded dahil sa Egay, nabawasan na

July 06, 2015 - 08:04 AM

map cebuMahigit 500 mga pasahero na lamang ang stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa bagyong Egay.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Action Center, unti-unti naman ng nabawasan ang bilang ng mga stranded na pasahero habang papalayo ang bagyo.

Nitong nagdaang weekend kasi umabot sa mahigit 1,000 ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan dahil maraming sasakyang pandagat ang hindi nakabiyahe.

Sa ngayon, mayroon na lamang 508 na stranded na mga pasahero, 58 stranded na barko at 31 mga motor banca.

Sa datos ng Coast Guard, pinakamaraming bilang ng naitalang mga stranded ay sa mga pantalan na sakop ng Coast Guard District sa Cebu.

Dahil papalayo na ang bagyong Egay, inaasahang unti-unti ng maibabalik sa normal ang biyahe ng mga sasakyang pandagat./ Ruel Perez

TAGS: egay, philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers, egay, philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.