Global cases ng COVID-19 mahigit 7.1 million na

By Dona Dominguez-Cargullo June 09, 2020 - 06:36 AM

Umakyat na sa mahigit 7.1 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, sa nasabing bilang, mayroong mahigit 408,000 na ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 3.5 milyon ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 3.2 million pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 53,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 100,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at halos 3,000 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, global data, global deaths, global update on covid, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, global data, global deaths, global update on covid, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.