SLEX Alabang SB Entry bukas na muli sa mga motorista

Matapos ang halos dalawang linggong pagsasara muling binuksan sa mga motorista ang Southbound entry ng SLEX-Alabang.

Mas maaga ito ng walong araw sa itinakdang petsa ng pagbubukas.

May 28 isinara ang SLEX Alabang SB entry para bigyang daan ang bored piling works sa pagsisimula muli ng konstruksyon ng Skyway Extension Project.

Kasabay nito tiniyak ni SMC president and COO Ramon S. Ang na tatapusin sa lalong madaling panahon ang Skyway Extension Project.

Ang mga manggagawa para sa naturang proyekto ay binigyan ng opsyon na manuluyan pansamantala sa construction site upang hindi mahirapang magbiyahe sa Metro Manila.

 

 

 

 

Read more...