Higit pisong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na

Epektibo ngayong araw June 9 ay mayroong mahigit pisong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng mga kumpanya epektibo nagpatupad ng dagdag na P1.75 sa kada litro ng gasolina; P1 dagdag sa kada litro ng kerosene at P1.10 na dagdag sa kada litro ng diesel.

Alas 6:00 ng umaga naging epektibo ang dagdag presyo ng Shell, SeaOil, Flying V, Petro Gazz, PTT, Total, at Phoenix Petroleum Philippines.

Alas 12:01 naman ng madaling araw naging epektibo ang oil price hike ng Chevron.

Habang ang kumpanyang CleanFuel ay mamaya pang alas 4:01 ng hapon ang dagdag presyo.

 

 

Read more...