LPA sa Eastern Samar posibleng maging ganap na bagyo ayon sa PAGASA

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Samar.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 465 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa.

Gayunman, posible itong maging ganap na bagyo at sa mga susunod na araw ay m aaring magpaulan sa Visayas at sa Bicol Region.

Sa sandaling maging bagyo, tatawagin itong Butchoy at magiging ikalawang bagyo sa bansa ngayong taon.

Para naman sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang Palawan, buong Visayas, at buong Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorms dahil sa intertropical convergence zone.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas lamang ng localized thunderstorms.

 

 

Read more...