Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 340

By Mary Rose Cabrales June 09, 2020 - 05:12 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal, 10PM, Lunes, June 8, nasa 340 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 9 ang bagong bilang ng nadagdag habang 136 ang active cases.

Nanatili sa 76 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 552.

Samantala, nasa 77 ang bilang ng probable habang nasa 458 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

TAGS: covid cases, Rizal, Rizal Province, covid cases, Rizal, Rizal Province

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.