Gloria boys suportado si Bongbong Marcos

By Jong Manlapaz February 18, 2016 - 08:04 PM SHARE(S):
PRESCON ON BBL / MAY 5, 2015 Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr speaks during a news conference at the Senate on Tuesday that the Citizen’s Peace Council report on the draft Bangsamoro Basic Law (BBL) showed that the proposed measure should be amended despite Malacañang’s insistence that it be passed in its present form. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Nagmistulang reunion ng mga miyembro ng partido LAKAS ni dating Pangulo at ngayon Pampanga Rep. Gloria Arroyo ang pasinaya sa Headquarters ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Mandaluyong City.

Ayon kay dating Lakas-CMD President at dating House Speaker Prospero Nograles nagulat siya dahil sa dami ng mga taga-LAKAS ang nagpunta para magpakita ng suporta sa kandidatura ni Sen. Bongbong Marcos sa pagkabise-presidente.

“Maraming mga taga-LAKAS ang nandito rin, hindi kami nag-usap-usap, nagkita na lamang kami dito,” ani Nograles.

Sabay naman dumating sa okasyon ang tagapagasalita ni dating PGMA na si dating Candaba Mayor Jerry Pelayo at Dating Zambales Rep. Milagros ‘Mitos’ Magsaysay na mga miyembro ng LAKAS.

Nilinaw ni Pelayo na personal niyang desisyon ang pagbibigay ng suporta kay Sen. Marcos, dahil na rin umano “nakikita natin yung makakagamot sa malalalim na sugat ng politika, pangalawa yung kanyang (Sen. BBM) stand yung paninindigan niya, yung kay (dating Chief Justice Renato) Corona, yung BBL (Bangsamoro Basic Law) naging matatag siya roon.”

Sinabi naman ni Magsaysay na magkapareho sila ng adbokasiya sa politika ni Sen. Marcos kaya siya sumusuporta sa Senador.

“Halu-halo na kami (LAKAS Members) na kami dito, kahit iba-iba na partido naming, lahat naman kami sumusuporta,” giit pa ni Magsaysay.

Sa kabila na nagkakaisa ang mga miyembro ng LAKAS na dumalo sa okasyon sa pagbibigay ng suporta kay Sen. Marcos hindi naman nagkakaisa sa susuportahan sa pagkapangulo ang mga ito.

Dahil para kay Nograles suportado niya ang ALDUB (Alyansa Duterte Bongbong), habang ang iba kagaya nila Pelayo at Magsaysay ay BiBo o Binay-Bongbong.

Ayon kay Nograles solid ang Norte at Mindanao sa tambalang Mayo Rodrigo Duterte at Bongbong Marcos, samatalang si Magsaysay ay dati ng tumakbo sa pagkasenador noong 2013 eleksyon sa ilalim ng partido ni Vice President Jejomar Binay na UNA.

Sa panig naman ni Sen. Marcos naniniwala siya na hindi naging matibay ang mga partido sa bansa kung kaya personal na nagbibigay ng suporta sa kanya.

“Yan na nga ang sinasabi ko mukhang hindi naging matibay, hindi masyadong matibay ang party line kaya iba-iba, personal ang support, ” ani Marcos.

Nagpasalamat naman si Marcos sa mga nagpakita ng suporta sa kanyang pagtakbo sa pagka-bise presidente.

Nilinaw naman ni Marcos na sa kabila na magkakaiba ang pangulo na susuportahan ng taga-Lakas at iba pang nangako ng suporta sa kanya, mananatili umano hanggang sa huli ang tambalan nila ni Sen. Miriam Santiago.

“It will not stop, it will not end,” giit ni Marcos.

TAGS: Arroyo, BBM, magsaysay, Marcos, Nograles, Pelayo, Arroyo, BBM, magsaysay, Marcos, Nograles, Pelayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.