Singapore, nakapagtala ng 386 pang COVID-19 cases
Halos 400 ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.
Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 386 na kaso hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (June 8).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are two cases in the community, of whom one is a Singaporean/Permanent Resident and the other is a Work Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 38,296 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.