Ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

By Angellic Jordan June 08, 2020 - 02:17 PM

Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Batay sa thunderstorm advisory bandang 2:00 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Quezon.

Ayon sa PAGASA, mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, nagbabala ang weather bureau sa mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update June 8, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update June 8

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.