Hiling ng PECO sa ERC na ibalik ang kanilang operation permit kinontra ng MECO

June 08, 2020 - 09:10 AM

Hinarang ng distribution utility na More Electric and Power Corp. (More Power) sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang apela ng Panay Electric Company (PECO) na maibalik ang kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) na una nang kinansela at pinawalang bisa ng komisyon.

Sa inihaing komento ng More Power sa inihaing supplemental motion ng PECO sa ERC, giniit nito na wala nang dahilan para ibalik ang operational permit ng PECO dahil napaso na rin ang kanilang legislatve franchise gayundin ay kanselado na ang kanilang business permit mula sa Iloilo City government.

“loilo City Government has revoked PECO’s business permit, making PECO’s activities related to the operation of the distribution system highly illegal. PECO likewise does not have a franchise and is no longer a legitimate CPCN holder” nakasaad sa mosyon ng More Power.

Binatikos din nito ang dilatory tactics ng PECO na nagsampa ng expropriation case at mga legal cases sa iba’t ibang korte sa bansa dahilan kung bakit napipigilan ang full takeover ng More Power na sya na ngayong legal na Distribution Utility sa Iloilo City na may prangkisa at permit to operate.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019 ang Republic Act 11212 na nagbibigay ng legislative franchise sa More Power na maging solong magsesebisyo ng kuryente sa Iloilo City habang noong Setyembre 2019 ay tuluyang kinansela at hindi na nirenew ng Kongreso ang prangkisa ng PECO dahil na rin sa isyu ng mga kapalpakan nito, ang kawalang prangkisa ng PECO ang nagbigay daan para tuluyan na rin bawiin ng ERC ang inisyu nitong CPCN sa kumpanya.

Sa ngayon ay nakabinbin sa ERC ang motion for reconsideration ng PECO sa naging pagkansela ng kanilang CPCN.

Iginiit ng More Power na kung ibabalik sa PECO ang kanilang CPCN ay babalik din muli ang bulok na pamamahala sa power distribution system sa Iloilo City.

Sinabi ni More Power Spokesperson Jonathan Cabrera na sa huling taon ng pamamahala ng PECO bago tuluyang makansela ang kanilang prangkisa ay lalo nitong napabayaan ang kanilang mga distribution facilities kung saan wala na umanong nagawang mga maintenance works at rehabilitation dahil na rin sa tumutok na ang kumpanya sa pagsasampa ng ibat ibang mga kaso sa korte.

“During that one-year period PECO ran the distribution to the ground with little or no rehabilitation or maintenance. Many parts of the aging system were overheating and bursting into flames on a regular basis.PECO’s failure to do preventive maintenance left the distribution system “rotting and a ticking time bomb.” ayon pa sa More Power.

Ipinaliwanag din ng More Power sa ERC na ang nararanasang power interruptions sa ngayon ay resulta ng kanilang ginagawang preventive maintenance operations kabilang na dito ang pagsasaayos ng 5 substations at pagpapalit ng mga depektibong transformers, taliwas umano ito sa alegasyon ng PECO na ang nangyayaring brownout ay resulta ng kawalang kasanayan at expertise ng bagong kumpanya.

May sapat din umanong tauhan ang More Power na nangangasiwa sa operations unit nito, sa kabuuan ay nasa 122 personel ang nakatalaga sa technical operations kasama dito ang 61 PECO personnel na kanilang inabsorbed.

Ayon kay Cabrera ang mga negatibong isyu na ipinupukol sa More Power ay galing lamang din sa kampo ng PECO, kung titignan umano ang kanilang technical readiness ay mapapatunayan na handa ang kumpanya para itakeover ang buong distribution system sa Iloilo City at nakatitiyak na makapagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga consumers nito.

Tinukoy pa nito ang report ng technical inspection team mismo ng ERC na nagsasabi na kanilang naberipika ang full readiness at capability ng More Power pagdating sa development, operation at maintenance ng distribution system.

TAGS: more, Panay, power, more, Panay, power

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.