Mahigit 36,000 na Pinoy nakauwi na sa bansa ayon sa DFA
Pumalo na sa 370 Filipinos ang namatay sa ibat ibang bahagi ng mundo dahil sa COVID-19.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, ito ay base sa monitoring ng kanilang hanay.
Nasa 5,392 Filipinos abroad naman ang tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Arriola, as of June 7, pumalo na sa 36,700 na overseas Filipino workers ang nakauwi na sa bansa.
Sa naturang bilang, 22,000 ay mga sea-based workers.
Tinatayang nasa 31,000 hanggang 35,000 na sea-based workers sa Amerika ang nagpahayag na ng kahandaangumuwi sa bansa.
Ayon kay Arriola, tinutulungan ng embahada o konsulada sa sa iba’t ibang bansa ang mga Filipino na gusto nang umuwi, documented man o hindi
Hunihingi rin ng paumanhin si Arriola kung mabagal ang repatriation ng mga OFW dahil sa limitado lamang ang kapasidad sa mga paliparan sa Pilipinas.
Nasa 1,200 na OFW lamang ang pinapayagan na makalapag sa Ninoy Aquino International Airport kada araw habang 600 naman kada araw sa Clark International Airport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.