Humihingi ng dagdag na pang unawa ang Palasyo ng Malakanyang sa hindi pa pagpapayag ng pamahalaan na buksang muli ang lahat ng klase ng publoc transportation kahit nasa general community quarantine na ang Metro Manila dahil sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, masisira lamang ang layunin ng ilang buwang quarantine na ipinatupad ng pamahalaan.
Naiintindihan aniya ng Palasyo ang hinaing ng mga commuter na hirap makapasok sa kani-kanilang trabaho dahil sa kawalan ng masasakyan.
Kaya pakiusap ng Palasyo sa mga employer sa pribadong sektor, magbigay ng shuttle service sa kanilang mga manggagawa.
Hindi aniya magpapakakampante ang pamahalan hangga’t walang nagagawang bakuna kontra COVID-19.
Araw-araw aniyang nagsasagawa ng assessmenet ang pamahalaan para matulungan ang lahat.
Una rito, sinabi ng Department of Transporation (DOTr) na magdadag ng ruta sa metro manila para maisakay ang mga commuter para sa kani-kanilang trabaho.