Grupo ng mga kabataan nagsagawa ng protesta sa Legazpi City kontra Anti Terrorism Bill
By Dona Dominguez-Cargullo June 08, 2020 - 10:21 AM
Nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ng mga kabataan sa Peñaranda Park sa Legazpi City.
Ito ay para tutulan ang pagpasa sa Anti-Terrorism Bill.
Para makaiwas umano sa paghuli ng mga pulis, tinawag ng grupo na “Mañanita Party” ang kanilang ginagawang pagkilos.
Sa ginawang kilos protesta, tiniyak ng grupo na maayos nilang nasusunod ang pagkakaroon ng safe distancing.
Panawagan ng grupo, ibasura ang terror bill.
May mga nakaantabay namang mga pulis sa lugar upang magpanatili ng kaayusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.