6 patay, 4 sugatan sa aksidente sa Tuba, Benguet

(UPDATED) Patay ang anim katao habang apat ang sugatan sa aksidente sa Tuba, Benguet Lunes ng madaling-araw, June 8.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, naganap ang aksidente sa bahagi ng Sitio Bontiwey, Poblacion, Palispis-Aspiras Highway bandang 4:00 ng madaling-araw.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol ang garbage truck na may plakang SKR 634 dahilan kaya bumangga sa isa pang trak na may plakang NFZ 7477.

Nadamay din sa aksidente ang parating na trailer truck na may plakang RHK 439.

Kabilang sa mga nasawi sina Belly Joe Lachica Collantes, Raymart Dela Rama, John Rex Hilario at Jonathan Frigillana Vargas.

Idineklarang dead-on-arrival naman sina Mark Alvin Dela Rama Collantes, drayber ng garbage truck; at, Rustom Lachica Dela Rama.

Naisugod naman agad ng mga tauhan ng Tuba Municipal Police Station sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGH-MC).

Nakilala naman ang mga sugatan na sina Romeo Dela Raga Collantes, 21-anyos; Ernesto Lachica Collantes, 27-anyos; Philip Lachica Dela Rosa, 28-anyos; at Merson Aoay Manlastas, 42-anyos.

Tiniyak naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tutulungan ng city government ang naiwang pamilya ng mga biktima ng aksidente.

Read more...