Limang lugar na nakapagtala ng pinakamainit na temperatura kahapon, June 7
Limang lugar sa bansa ang nakapagtala ng mataas na temperatura kahapon, June 7.
Ayon sa datos ng PAGASA ang Echague, Isabela ang may pinakamainit na temperatura kahapon na umabot sa 38.1 degrees Celsius.
Narito naman ang iba pang mga lugar na nakapagtala din ng mataas na temperatura:
Camiling, Tarlac – 37.7 degrees Celsius
Hacienda Luisita, Tarlac – 37.2 degrees Celsius
Tuguegarao City – 37.1 degrees Celsius
Sangley Point, Cavite – 36.8 degrees Celsius
Payo ng PAGASA, iwasan ang physical activities kapag tanghali at hapon.
Mahalaga din ang palagiang pag-inom ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.