7 pari, 10 staff ng isang tanyag na simbahan sa Cebu City isinailaim sa isolation

Inilagay sa isolation ang pitong pari at 10 staff ng ng Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu.

Isinailalim sa isolation ang mga pari at mga staff dahil sa pagiging supected COVID-19 patients ng mga ito.

Silang lahat ay naka-confine sa isang ospital.

Nananatili ring sarado ang naturang simbahan kahit ang ibang mga simbahan sa Cebu City ay nagbukas na at tumatanggap na ng limitadong bilang ng mga nagsisimba.

Ayon kay Fr. Andres Rivera Jr. hinihintay pa nila ang resulta ng swab test ng mga pari at staff.

Sa naunang abiso sinabi ni Rivera na mayroong probable cases ng COVID-19 sa nasabing simbahan noong May 25.

Ang mga empleyado ng simbahan ay unang nakitaan ng sintomas gaya ng ubo at lagnat.

 

 

 

Read more...