Anti-Terrorism Bill dapat maipaliwanag muna ng husto sa publiko bago lagdaan ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo June 08, 2020 - 08:48 AM

Dapat maglaan muna ng sapat na panahon ang pamahalaan upang ipaliwanag sa publiko ang nilalaman ng anti-terrorism bill.

Pahayag ito ng isang national security expert kasunod ng pagtutol ng marami sa pagsasabatas ng naturang panukala.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni National Studies Expert Professor Rommel Banlaoi na mahalagang magkaroon muna ng social acceptability ang panukala bago ito ganap na maisabatas.

Nasa senado pa naman aniya ang panukala at hindi pa ganap na naita-transmit kay Pangulong Duterte.

Payo ni Banlaoi sa pamahalaan huwag ipilit ang batas kung nagpapatuloy pa ang alinlangan dito ng publiko.

“Huwag ipilit kung tuloy ang alinlangan. Kasi magakakaroon ng problema kung walang socical acceptability. Para sa akin siguro dapat maglaan ng sapat na panahon para ipaliwanag ang kahalagahan ng batas na ito para mawala yung pangamba, huwag nating agarin,” ani Banlaoi.

Simula nang proseso ng pagbuo ng batas sinabi ni Banlaoi na nauunawaan niya ang intensyon nito at batid niyang hindi ito gagamitin para sa state terrorism.

Layunin aniya ng panukala na labanan ang terorismo.

Malinaw din aniya sa ilalim ng naturang batas kung anu-anong gawain lamang ang maituturing na terorismo at kung sinu-sino ang maituturing na terorista.

 

 

 

 

TAGS: Anti-terrorism bill, Inquirer News, National Studies Expert, News in the Philippines, Professor Rommel Banlaoi, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Anti-terrorism bill, Inquirer News, National Studies Expert, News in the Philippines, Professor Rommel Banlaoi, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.