Bilang ng nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19 mahigit 36,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo June 08, 2020 - 08:36 AM

Sumampa na sa halos 700,000 ang kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Sa magdamag, nakapagtala ng mahigit 18,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Sa ngayon umabot na sa 691,962 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 doon.

Nakapagtala din ito ng panibagong mahigit 500 na nasawi dahil sa sakit.

Dahil dito mahigit 36,400 na ang death toll sa COVID-19 ng Brazil.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

Ang Brazil ay pangatlo na sa mga bansang mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

 

 

TAGS: bazil, covid cases, covid deaths, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sao Paulo, Tagalog breaking news, tagalog news website, bazil, covid cases, covid deaths, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sao Paulo, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.