San Juan City Mayor Francis Zamora humingi ng paumanhin sa paglabag sa quarantine protocol sa Baguio City
Humingi ng paumanhin si San Juan City Mayor Francis Zamora kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil sa paglabag sa health protocols ng Baguio City.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Zamora na agad niyang tinawagan si Magalong para humingi ng paumanhin at magpaliwanag.
Hindi umano niya intensyon na lumabag sa health at security protocols ng Baguio.
Paliwanag ni Zamora, ang kaniyang asawa ay sumasailalim sa active treatment para sa stage 3 breast cancer.
Pinayuhan aniya ito ng kaniyang duktor na magpahinga para sa kaniyang full recovery, kaya nagpasya silang iuwi muna ito sa Baguio dahil mayroong lumang bahay ang pamilya nito doon.
Doon aniya mamamahinga ang kaniyang asawa sa susunod na mga linggo.
Sinabi ni Zamora na nang dumating ang mga staff ng health office ng Baguio City sa hotel kung saan sila pansamantalang tumuloy ay agad naman silang nagpasailalim sa triage.
Una nang nabatikos si Zamora dahil hindi umano nagpasailalim sa health protocols ang kaniyang grupo nang dumaan sa isang checkpoint.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.