Mahigit 5,100 na frontliners naisailaim na sa swab test sa Makati

Umabot na sa mahigit 5,000 na frontliners na kinabibilangan ng health workers, probable patients at PUMs ang naisailalim sa swab test sa Makati.

Sa datos ng Makati City Health Department, hanggang kahapon June 7 ay 5,181 na ang naisailalim sa swab tests.

Sinabi ni Makati Mayor Abby Binay, ang lungsod ay nagsasagawa ng libreng mass testing ng frontliners at sa mga taong may sintomas ng COVID-19 ngayong buwan.

Ito ay upang matukoy at agad maibukod, at magamot ang mga may sakit.

 

 

Read more...