Main office ng BI sasailalim sa disinfection matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado

By Dona Dominguez-Cargullo June 08, 2020 - 07:34 AM

Pansamantalang isinara muna ang main office ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Maynila.

Ayon sa abiso ng BI, simula ngayong araw June 8 ay pansamantalang sarado muna ang main office ng BI matapos isang empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-19.

Kailangan kasing sumailalim sa disinfection at sanitation ang pasilidad bilang pag-iingat sa COVID-19.

Maglalabas na lamang muli ng abiso ang BI kung kailan magbubukas ang tanggapan.

Ang mga mayroon nang kumpirmadong appointments ngayong araw at sa susunod pang mga araw ay ire-reschedule na lamang sa sandaling magbalik-operasyon ang ahensya.

 

 

TAGS: BI, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Intramuros Manila, main office, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, BI, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Intramuros Manila, main office, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.