Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 331

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Linggo, June 7) , nasa 331 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 2 ang bagong bilang ng nadagdag habang 135 ang active cases.

Nanatili sa 76 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 542.

Samantala, nasa 77 ang bilang ng probable habang nasa 474 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

 

 

Read more...