Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, June 7 6PM) umakyat na sa 373 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 .
Sa nasabing bilang ay mayroong 208 pulis na nakarecover na habang nasa 5 ang nasawi.
Tumaas din ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 716 na at 760 naman ang suspected case.
Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES