Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,652

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (June 7, 3:00 PM) pumalo na sa 1,652 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 384
Laguna – 484
Batangas – 210
Rizal – 466
Quezon – 108

Nasa 897 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 24 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 150
Laguna – 317
Batangas – 118
Rizal – 235
Quezon – 77

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon ay umabot na sa 163.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 36
Batangas – 26
Rizal – 62
Quezon – 9

Read more...