Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 7, umakyat na sa 5,392 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 49 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,791 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nadagdagan naman ng anim ang bilang ng gumaling kung kaya 2,231 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, umakyat naman sa 370 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,367 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 843 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 661 naman ang kaso sa Americas at 521 sa Asia Pacific Region.