BREAKING: Bilang ng nasawi sa Pilipinas dahil sa COVID-19, pumalo na sa 1,003 – DOH

By Angellic Jordan June 07, 2020 - 04:13 PM

Sumampa na sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga nasawi sa Pilipinas bunsod ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (June 7), siyam ang nasawi pa kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,003 na.

Nadagdagan din ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ng kagawaran na sumampa na sa 21,895 ang tinamaan ng pandemiya sa bansa.

Ayon sa DOH, 555 pa ang napaulat na kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 378 ang “fresh cases” habang 177 naman ang “late cases”

Samantala, 89 pasyente naman ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, ang total recoveries sa COVID-19 sa Pilipinas ay 4,530 na.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Philippines, COVID-19 deaths in Philippines, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 recoveries in Philippines, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Philippines, COVID-19 deaths in Philippines, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 recoveries in Philippines, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.