Mayoral candidate binaril patay sa Lanao del Sur

police-line1Dead-on-the-spot ang isang mayoralty candidate makaraan siyang barilin ng hindi nakilalang suspect sa Lando del Sur.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang ulo ay kinilalang si Floro Allado, independent candidate bilang Mayor sa bayan ng Banisilan sa North Cotabato.

Sa paunang report na nakarating sa tanggapan ng North Cotabato Police Office, sinabi ni PSupt. Bernard Tayong na galing sa isang pakikipag-pulong ang nasabing kandidato nang siya’y magpunta sa isang gasoline station sa bayan ng Wao sa Lanao del Sur pasado ala-una ng hapon kanina.

Papalabas na siya ng nasabing gas station ng bigla siyang barilin ng isang lalaking armado ng pistol na mabilis ding tumakas makaraan ang insidente.

Isang team na ang binuo ng Philippine National Police para tugisin ang nasabing suspect.

Read more...