Naglabas ng guidelines ang Department of Trade and Industry (DTI) na dapat sundin ng mga establisyimento.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
GCQ
– 30% ng operational capacity ang papayagan simula sa June 7, 2020
– 50% ng capacity ang papayagan makalipas ang 2 linggo
MGCQ
– 50% ng operational capacity
– 100% ng capacity makalipas ang tatlong linggo
Ang serbisyo ay limitado lamang sa pagpapagupit.
Ang ibang serbisyo sa mga salon gaya ng facial treatment, nail care services, eyebrow services at iba pa ay hindi papayagan.
Kailangan ding maglagay ng paalala para sa health protocols sa entrance ng mga salon at barbershops.
Dapat ding may thermal scanner, floor mat na may disinfectant, disinfection system sa personal na gamit ng customer, alcohol, paggamit ng face shields at mayroong health checklist.