Salon, barbershop pwede nang magbukas simula June 7; facial, pagpapakilay bawal pa
Simula sa Linggo, June 7 ay papayagan na ang operasyon ng mga barbershop at salon sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at moderate general community quarantine (MGCQ).
Naglabas ng guidelines ang Department of Trade and Industry (DTI) na dapat sundin ng mga establisyimento.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
GCQ
– 30% ng operational capacity ang papayagan simula sa June 7, 2020
– 50% ng capacity ang papayagan makalipas ang 2 linggo
MGCQ
– 50% ng operational capacity
– 100% ng capacity makalipas ang tatlong linggo
Ang serbisyo ay limitado lamang sa pagpapagupit.
Ang ibang serbisyo sa mga salon gaya ng facial treatment, nail care services, eyebrow services at iba pa ay hindi papayagan.
Kailangan ding maglagay ng paalala para sa health protocols sa entrance ng mga salon at barbershops.
Dapat ding may thermal scanner, floor mat na may disinfectant, disinfection system sa personal na gamit ng customer, alcohol, paggamit ng face shields at mayroong health checklist.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.