“PISTON 6” hindi pa rin nakalaya dahil sa kawalan ng internet connection ng tanggapan ng Clerk of Court sa Caloocan

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2020 - 08:43 PM

Hindi pa rin nakalalaya ang tinaguriang PISTON 6 – ang anim na driver na inaresto sa Caloocan City dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta.

Ayon sa isa sa kanilang mga abogado na si Atty. VJ Topacio, simula Biyernes (June 5) ng umaga ay ginagawa na nila ang lahat ng proseso para sa paglaya ng anim.

Ani Topacio, ang problema sa internet connection sa Clerk of Court ang dahilan kaya hindi naiproseso ang pagpiyansa.

Maghapon umano silang naghintay para mai-forward ng Office of the City Prosecutor ang resolusyon sa Clerk of Court.

Pero hanggang alas 4:30 ng hapon ay sinabi ng staff sa Clerk of Court na down ang kanilang internet connection.

Kabilang sa PISTON 6 ang isang 72-anyos nang driver na si Elmer Cordero.

 

 

 

TAGS: Atty. VJ Topacio, caloocan city, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, internet connection, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PISTON 6, Protest Rally, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Atty. VJ Topacio, caloocan city, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, internet connection, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PISTON 6, Protest Rally, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.