outbrain

Fun Ranch, Jump Yard nagsara na dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2020 - 07:50 PM

Dalawang tanyag na pasyalan sa Metro Manila ang nagsara na dahil sa epekto ng pandemic ng COVID-19.

Kinumpirma ng Fun Ranch sa Facebook nito na permanente na silang magsasara.

Ang Fun Ranch ay mayroong branch sa Ortigas, Alabang at Pampanga.

Tiniyak ng Fun Ranch na kung mayroon pang deposits ang kanilang customers na naibayad bago ang lockdown ay kanila itong ire-refund.

Sa hiwalay na post, sinabi ng Jump Yard na magsasara na rin ito.

Ang Jump Yard ay isa sa mga pasyalan sa Ortigas.

Sinabi rin ng Jump Yard na ire-refund sa customers ang mga nauna nang naibayad na deposito.

 

 

TAGS: fun ranch, jump yard, Ortigas, fun ranch, jump yard, Ortigas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.