Napapakinabangan na ng husto ng maraming siklista ang proyektong Bicycle Lane ni Pangulong Duterte sa Laguna Lake Highway (C6) sa Taguig City.
Naisakatuparan ang proyekto sa pagpupursige ni DPWH Sec. Mark Villar.
Ang proyekto na may habang 5.8 kilometro at tatlong metrong lapad ang kauna-unahang protected bike lane sa isang national highway sa bansa.
Ang bike lane ay hiwalay sa highway at may planting strip, upang masiguro na may istraktura na permanente nang magbibigay proteksyon sa mg siklista.
May street lights din ito kaya’t maliwanag sa gabi at kumpleto sa signages para sa dagdag kaligtasan.
Kamakailan lang ay nagtayo ang pamahalaang lungsod ng 5.8 km protected bike lane dahil ngayon new normal kasama na ang bisikleta sa paraan ng transportasyon.
“Lahat po ay welcome na lumahok sa Taguig sa bagong inisyatibo na gumamit ng bike lane sa kanilang pagbibisikleta,” ang panghihikayat ni Mayor Lino Cayetano.
Noong June 1, ang Taguig ay nagpasa “Bike-Friendly Taguig Ordinance,” kung saan nagtatag ng Active Transport Office upang tutukan ang pagsulong ng pagbibisikleta ng publiko at paramihin ang bike-friendly spots sa lungsod.
Maglalabas din ang Taguig City ng buwanang “Bike-Friendly Map” sa I Love Taguig Facebook.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.