Anong anting-anting mayroon kaya si Sec. Duque? – Sen. Lacson

By Jan Escosio June 05, 2020 - 07:27 PM

Naghahanap ng kasagutan si Senator Panfilo Lacson sa mga nag iisip kung anong anting-anting ni Health Secretary Francisco Duque III kaya’t hindi siya masipa sa puwesto ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Lacson ipinagtataka niya ang pagbibigay ng special treatment kay Duque.

Paglilinaw nito, batid naman niya na saklaw ng kapangyarihan ng pangulo ng bansa kung sino ang kukuhanin at sino ang sisibakin na opisyal ng kanyang administrasyon.

Ngunit ipinunto nito ang tila naka-ugalian na ni Duque na magturo sa kanyang mga opisyal sa tuwing napupuna ang mga kapalpakan nito sa pagtupad sa kanyang mandato.

Pinuna ni Lacson na sa hindi pagkakabigay ng cash compensation sa mga namatay na health workers dahil sa COVID 19, ang katuwiran naman ni Duque ay dahil may ilan sa mga nasawi ay dalawa ang asawa.

Diin ni Lacson patay na ang mga tinutukoy ng kalihim at hind na nila madedepensahan ang kanilang sarili.

Kaya’t muling iginiit ni Lacson ang matagal na niyang panawagan kay Duque na umalis na sa DOH.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, secretary francisco duque, Senator Panfilo Lacson, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, secretary francisco duque, Senator Panfilo Lacson, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.