BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa bansa 20,626 na

Umabot na sa 20,626 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 244 na dagdag na kaso ang Department of Health (DOH).

Sa nasabing bilang, 168 ang fresh cases o mga bagong kaso sa nakalipas na 3 araw, 24 dito ay naitala sa NCR.

Mayroon namang 76 na kaso na bahagi ng backlog sa resulta ng COVID-19 tests.

Nakpagtala din ng dagdag na 82 na gumaling sa COVID-19 kaya umabot na sa 4,330 ang total number of recoveries.

Habang 3 naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi.

Mayroon nang 987 na COVID related deaths sa bansa.

 

 

 

 

Read more...