Mga Filipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19, 5,355 na – DFA

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2020 - 04:35 PM

Anim lamang ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 5, umakyat na sa 5,361 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 49 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,788 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa 2,212 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, umakyat naman sa 361 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,346 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 838 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 657 naman ang kaso sa Americas at 520 sa Asia Pacific Region.

 

 

TAGS: covid pandemic, covid patients, COVID-19, DFA, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Overseas Filipinos, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, covid patients, COVID-19, DFA, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Overseas Filipinos, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.