LOOK: Tamang halaga ng singil sa tricycle sa Maynila inilabas ng MTPB

Inilabas ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang tamang halaga ng pamasahe sa tricycle sa Maynila.

Paalala ng MTPB sa mga pasahero huwag sasakay sa mga tricycle o pedicab kung ang driver ay nangongontrata sa pamasahe.

Ayon sa MTPB ang flat rate para sa tricycle at pedicab ay P20 at dagdag na P5 sa kada kalahating kilometro.

Kung ang driver ay maniningil ng mas mahal, pinayuhan ng MTPB ang mga residente na kunin ang body number at pangalan ng driver at agad ireport.

 

 

Read more...