Ilang lalawigan sa Central Luzon uulanin ayon sa PAGASA

Makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Central Luzon dulot ng thunderstorm.

Ayon sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 2:12 ng hapon, June 5, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Tarlac, Zambales, Bataan at Pampanga sa susunod na mga oras.

Ang mga residente sa mabababang lugar ay pinapayuhan na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng pagguho ng lupa ang mararanasang malakas na buhos ng ulan sa bulubunduking lugar.

 

 

Read more...