Mahigit 22,900 na OFWs napauwi na sa mga lalawigan – DOTr

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2020 - 02:43 PM

Sa loob ng nagdaang mga araw umabot sa mahigit 22,900 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naserbisyuhan sa ilalim ng ‘Hatid Probinsya para sa mga OFWs’ Program.

Ayon sa datos ng Department of Transportation (DOTr), umabot na sa 22,918 ang napauwing OFWs sa kanilang mga lalawigan.

Sa nasabing bilang, 6,275 ang naihatid by land, 11,786 ang bumiyahe sa pamamagitan ng eroplano mula May 25 hanggang June 4.

Habang 4,857 naman ang bumiyahe sa pamamagitan ng barko mula April 27 hanggang June 4.

Ang “Hatid Probinsya para sa mga OFWs” ay pinangungunahan ng DOTr, DOLE, OWWA, CAAP, PCG, DILG, PPA, OTS, MIAA, LTO at LTFRB.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Hatid Probinsya para sa mga OFWs Program, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Hatid Probinsya para sa mga OFWs Program, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.