Plenary assembly ng CBCP kinansela
Kinansela ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang plenary assembly nito na gagawin na dapat sa susunod na buwan.
Ito ang unang pagkakataon na nakansela ang planery assembly ng CBCP.
Ang pagkansela ay bunsod ng pandemic ng COVID-19.
Ayon kay Fr. Marvin Mejia, Secretary General ng CBCP ang taunang retreat din ng mga Obispo na ginaganap pagkatapos ng plenary assembly ay kanselado na rin.
Ang plenary assembly ay isa sa dalawang taunang pagtitipon ng mga obispo.
Ginaganap ito sa Pope Pius XII Center sa Maynila mula July 11 hanggang 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.