COVID-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus (CURES) Act of 2020 aprubado na sa 3rd and final reading sa Kamara

Aprubado na sa 3rd and final reading ng Kamara ang House Bill No. 6920, oo “The COVID-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus (CURES) Act of 2020.

Sa ilalim ng panukalang batas maglalaan ng P1.5 trillion para mapondohan ang mga infrastructure projects sa health, education, agriculture, at local roads/infrastructure livelihood sectors.

Kabilang sa infrastructure projects ang pagtatayo ng barangay health centers, municipal at city hospitals, digital equipment para sa COVID-19 testing, telemedicine services para sa post-harvest facilities, trading centers, at farm-to-market roads.

Makatutulong din ang panukalang batas sa para sa pagpapatupad ng “Balik Probinsya Program” na layong ma-decongest ang Metro Manila.

 

 

 

 

Read more...