Kalilangan, Bukidnon niyanig ng magnitude 3.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Bukidnon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers northwest ng bayan ng Kalilangan, alas-11:01 umaga ng Biyernes (June 5).

May lalim na 3 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – Kalilangan, Bukidnon
Intensity II -Pangantucan, & Kadingilan, Bukidnon
Intensity I – Don Carlos, & Damulog, Bukidnon

Wala namang inaasahang pagkasira sa nga ari-arian at aftershocks.

 

 

 

Read more...