Mahigit 200 bus bibiyahe sa bagong mga ruta sa ilalim ng GCQ

Mahigit 200 bus ang papayagang mag-operate sa mga bagong ruta sa ilalim ng pag-iral ng community quarantine.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddess Hope Libiran ang 220 bus units ay ide-deploy sa mga bagong ruta.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Monumento to Balagtas – 116 bus units

EDSA Quezon Ave to Montalban – 30 bus units

Parañaque Integrated Terminal Exchange to the Ninoy Aquino International Airport Loop – 74 bus units

Layon nitong matulungan ang mga pasaherong nahihirapang sumakay dahil sa limitadong public transportation.

 

.

Read more...