Atty. Chel Diokno at kasamang pari hindi pinayagang bumisita kay Senator Leila De Lima sa Camp Crame

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2020 - 11:20 AM

Hindi pinayagan na makabisita kay Senator Leila de Lima si Human Rights Lawyer Atty. Chel Diokno at ang kasama nitong pari na si Flavie Villanueva.

Kasama din nina Diokno at Villanueva na bibisita dapat kay De Lima ang chief of staff ng senador na si Atty. Fhillip Sawali.

Sa post sa Twitter account ng senador, sinabing halos isang oras naghintay ang tatlo para makapasok sa Custodial Center ng Camp Crame ngayong Biyernes ng umaga (June 5).

Gayunman, hindi sila pinayagang makapasok.

April 25,2020 pa nang huli umanong may payagang makabisita kay De Lima.

Ayon sa post, ang paghihigpit na ito ay paglabag sa Constitutional rights ng senador.

 

 

 

TAGS: Camp Crame, Chel Diokno, Inquirer News, leila de lima, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Camp Crame, Chel Diokno, Inquirer News, leila de lima, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.