Nakarating na kasi sa kaalaman ng pangulo na marami ang nagrereklamo sa online selling partikular na ang mga face mask na mabili ngayon dahil sa COVID-19.
Payo ng pangulo sa mga suki sa online, maging maingat dahil panahon ngayon ng lokohan.
Dapat aniyang i-deliver muna ang produkto at suriin bago bayaran.
Kapag nabiktima ng online scammer, payo ng pangulo, talian at itapon sa Ilog Pasig.
“Talian mo, pagka gabi mag hanap ka ng sasakyan, ihulog mo sa Pasig River. Mamili ka. Maraming tulay diyan. Alas tres ng madaling araw wala nang dumadaan diyan. Maski anong ihulog mo. Wala nang makialam diyan. Ang mga animal na ito, they take advantage of the misery of people. Kung ako, yan ang gawin ko sa inyo. Talian ko yung paa ninyo, pati kamay ninyo. Saksakan ko yang bunganga ninyo yung medyas ninyo mabaho. Limang araw na walang laba. Tapos talian ko ng panyo. Ihulog kita sa Pasig,” pahayag ng Pangulo.
Huwag aniyang bumili sa mga supplier sa Pampanga o Abra dahil wala naman silang mapagkukuhanan ng mask.
“Iyang mga scam ngayon, mga mask magorder kayo, through online. Susmaryosep. Do not go for that kind of shit, yung pagbili bili kayo online ng mask. Tapos ketxt ninyo is from Pampanga, from abra saan man sila magkuha ng mask doon? Wala nga silang makuha sa Maynila. Dito kayo sa Maynila, sa mga holdupper, pwede pa. Pwede kayong bumili meron pa yang putanginang stock mga animal na yan. So be careful about it, lokohan to ngayon. The best is ‘give me the goods I’ll pay you’. Or better still, give me the goods, I will examine it if it is really the one that I ordered then i will pay you,” pahayag ng Pangulo.
Hindi pa kasi aniya nape-perpekto ang sistema sa online selling.
“Huwag kayong bumili ng mga online, online lalo na magpadala ka ng pera. I’d like tyo address this to everybody, do not fall for that thing online, online. It has never been perfected,” pahayag ng Pangulo.