Planong payagan ang pag-aangkas sa Cebu hindi inaprubahan ni Pangulong Duterte
Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na payagan na ang pag-aangkas sa motorsiklo sa Cebu.
Binanggit ng pangulo sa kaniyang pulong sa IATF na gustuhin man niyang payagan ang hirit ni Garcia at ng provincial board members ng Cebu, hindi aniya pwedeng magkaroon ng exemption sa pagpapatupad ng ‘no angkas policy’.
Ani Duterte maari pa siyang maireklamo kapag mayroon siyang ilang pinaburan.
Una nang sinabi ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na papayagan na ang back riding sa lalawigan sa kabila ng babala ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon sa pangulo ang batas ay batas, at kahit pangulo siya ng bansa hindi niya pwedeng balewalain lang ang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.