Mga opisyal na nagpabaya sa pagbibigay ng cash assistance sa mga healthcare worker sisibakin ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2020 - 10:05 AM

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin ang mga opisal ng pamahalaan na sangkot sa delay na pagbibigay ng cash assistance sa pamilya ng mga nasawing healthcare worker dahil sa COVID-19.

Sa kaniyang public address, sinabi ng pangulo na handa siyang isakripisyo ang mga nasabing opisyal ng gobyerno.

Dismayado ang pangulo nang malamang wala pa sinuman sa pamilya ng 32 nasawing healthcare workers ang nakatanggap na ng P1 million na tulong.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kapag nagbigay siya ng utos ayaw niyang aabutin ng buwan bago ito magawa at nais niyang maisakatuparan ito sa loob ng ilang araw lang.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, ang pamilya ng mga nasawing healthcare worker na tinamaan ng COVID-19 ay dapat tumanggap ng P1 million.

Kung nagkasakit naman ng COVID-19 ang healthcare worker ay tatanggap ito ng P100,000 na tulong.

 

 

TAGS: cash assistance for healthcare workers, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, IATF, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, cash assistance for healthcare workers, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, IATF, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.