Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 17.7 percent na unemployment rate noong Abril.
Katumbas ito ng 7.3 million na Filipino na pawang jobless o walang trabaho.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa ang unemployment rate noong April 2020 ang maituturing nang pinakamataas simula ng ipatupad ng PSA ang pagbabago sa methodology sa pagsukat ng ’employment’ noong April 2005.
Samantala, noon ding buwan ng Abril 2020 naitala ang mataas na underemployment rate.
Pumalo sa 18.9% ang underemployment para sa nasabing buwan o katumbas ng 6.4 million na Pinoy na underemployed.
MOST READ
LATEST STORIES